TURISMO
Gaano ba kahalaga ang TURISMO sa pilipinas?
Ano-ano nga ba ang magiging epekto ng paglago ng TURISMO sa ating bansa?Sino-sino ba ang makikinabang kung sakaling lumago ang TURISMO dito sa ating bansa?
Ano-anong lugar ang madalas na puntahan ng mga TURISMO?
Ang kahalagahan ng TURISMO sa pilipinas ay importante dahil dito
nanggagaling ang mga likas na yaman. Ito ay dinadayo ng mga turista, dahil sa
ganda at linis ng mga kapaligiran pati na rin ang mga tanawin nito. Mapapalago
natin ang turismo sa pamamagitan ng pag kakaisa ng lahat at pagbibigay ng
mabuting intensyon dito. Ang mga makikinabang sa ating turismo ay tayo ding mga
Pilipino, dahil isa ito sa ating pinag-kukunang yaman lalona ang pamumuhay.
Mapapalago din natin ito sa pagsasaayos ng batas trapiko sa ating bansa.
Maraming mga turista na gustong pumunta dito, dahil sa pagpapatakbo ng lugar
natin. Hindi man kagandahan ay marami ang namamangha, isa din ang pag galang sa
ating mga bisita at pagbibigay ng magandang pagtanggap sa kanila. Dapat ang
lahat ay maging responsable sa lahat ng gawain at pagpapakita ng magandang
pagpapalago ng bansa. May mga posibilidad din na dito nila makita ang
maaliwalas na lugar hindi man sila palaging nasa ating bansa ay kahit papaano
nabibigyan ng pagkakataon na makita ng iba ang ating magandang bansa, kahit na
may nangyayari ding kaguluhan dito.
Mga sagot sa tanong:
Napakahalaga ng pagpapalago ng turismo ng Pilipinas. Unang una dahil ang turismo sa Pilipinas ay isa sa mga dahilan ng pagunlad ng bansa. Dahil sa turismo, mas nagiging kilala ang ating bansang Pilipinas. Isa din sa dahilan kung bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng turismo sa ating bansa ay upang maibahagi natin ang mga magagandang tanawin na meron tayo na nang gagaling din sa ating Panginoon. Hindi lamang ang mga tanawin pati narin ang mga kulturang meron tayo. Kung usapang turismo ay hindi nawawala ang ating mga tradisyonal na pagkain na ating minamahal at tiyak na mamahalin din ng karamihan.
Ang magiging epekto nito ay paglaganap ng mga iba't ibang impormasyon. Isa dito ang pagpapakita ng maayos na pagpapatakbo sa ating bansa. Magiging maganda ang epekto nito kung lahat ay nagkakaisa. Maiiwasan ang isang gulo kung magiging maganda ang kalalabasan nito. Isang mahalaga ang mapapalago ng ating bansa dahil dito natin malalaman kung maayos ba o mapanatag ang lugar natin.
Kung sakaling lumago ang ating turismo ay ang makikinabang dito ay tayo ding mga pilipino, lalo na ang mga taong nagsusumikap na mapalago ito. Dahil sa paglago ng ating bansa ay maraming natutulungan dahil dito. Makikinabang din ang ibang taong taong nagbigay ng maayos na pagpapatakbo, napatunayan nila na kahit na mahirap ay naipakita pa rin nila na kaya nilang mabigyan ng magandang pagpapalago.
Mga lugar na madalas puntahan ng mga TURISTA.
Puerto Princesa Subterranean River National Park Palawan, Sohoton Cove National Park, Surigao del Norte, Chocolate Hills Bohol, Boracay, Caramoan, Baguio at marami pang iba.
Keithel Ann Palmaria
Tricia Nicole Sales
Janna Khen Fortin
Sarah Rosas